Saturday, June 03, 2006
Isang liham para sa lahat ng CYA alumni
Noong 2005, sa ika 25 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Panginoon sa CYA, Nagkaroon ang Alumni officers ng isang proyekto upang maipagpatuloy ang napakahalagang gawain na ibinigay ng Panginoon sa CYA. Ito ay ang "RAISE TO 25" na ang layunin ay makalikom ng Php 25 million na kung saan ay gagamitin ang interest bilang pondo sa mga nangangailangang financial ng CYA. Naiisip nila na kung mayroon lamang na 1,000 alumni na kayang makapagbigay ng Php 5,000 makakakuha tayo ng hinahangad nating halaga. Nang ito ay naisip sinabi natin na napakadaling malikom ang halaga dahil alam natin na sa napakahabang panahon, kayo na bumabasa nito at libo libo pang iba ay nasa isang posisyon upang makapagbigay.Mahigit isang taon na ang lumipas, lubhang marami na ang nakabasa ng flyers (see attached). Tayong lahat ay patuloy na dumaranas ng pagmamahal at pag-ibig ng Diyos dahil tayo iy kabilang sa mga natatanging nakakilala nagbago ang buhay dahil sa CYA. Ang ating buhay sa college ay naging lubhang napakasaya at puno ng pag asa at pagibig sa Diyos at sa ating kapatiran. Sino a makakalimot ng walang kamatayang prayer meetings, Summer Training Conference, Summer Games, Classroom presentation, CLP (o ECLS depende kung anong taon ka naging member), May Christ Awreness Week pa, Barn dance, retreats, Day of renewal, etc,etc,etc. Naaalaala nyo pa din ang ating motto "KAY KRISTO, BUONG BUHAY, HABANGBUHAY). sigurado ako lahat ng ito ay nananatili sa ating mga alaala at patuloy pa rin ang ating "journey of
faith" sa kabila na tayo ay nasa iba ibang estado na ng buhay. Nais kung sabihin na kami ay medyo nalulungkot dahil mula ng i launch ang
proyektong "raise to 25" maniniwala ba kayo na habang isinusulat ko ito ay Php 300k pa lang ang nalilikom natin. Naniniwala kami na patuloy na nais ng DIYOS na mag reach out tayo sa libo libong kabataan thru CYA subalit lubhang napakaliit ng resources ng CYA para matugunan ang napakalaking gawain na iniatas sa balikat ng CYA.
Nais kong magbigay ng isang hamon sa lahat, naaalaala nyo ba ang sinasabi natin sa commitment natin noon na: "it grateful response to the goodness of the Lord, I would like to commit my life to Him and allow him to use me to serve Him and his people".
Dalawa ang maliit na hiling namin na sana ay gusto namin na tayong lahat na magbabasa nito ay gawin.
Una, Ipagdasal natin ang CYA at ibigay ang maliit na halaga subalit kayang magpabago ng daan daang tao na nangangailangan ng Pag-ibig ng Diyos. Makinig tayo sa nais sabihin ng Diyos at kumilos tayo upang maging kabahagi tayo sa gawain ng CYA kahit na tayo graduate na. Patuloy tayong magevangelize (indirectly) by giving and working together as united alumni to raise the 25 million. Labis na nakakahiya sa Panginoon kung sa dinami dami natin hindi man natin magawa ang isang gawain na lubhang madali kung tayo ay magsasama
sama.
Pangalawa, Ipasa natin ito sa lahat na kilala natin na alumni ng CYA at
siguraduhin na maging kabahagi sila sa adhikain na ito.
Nasa attachment and detalye kung paano kayo makakapagbigay ng naaayon sa gusto ng Panginoon na ibigay ninyo.
Lastly, In Luke 10:2 Jesus said, "The harvest is abundant but the laborers are few; so ask the master of the harvest to send out laborers for his
harvest."
We are god's laborers, we may not be directly involved but God entrusted to us call of becoming a community, on mission. We could respond to Him in many ways, and supporting CYA is one of them. As the song puts "may all those who come behind us find us faithful" in our life in the Lord and in continuing with our desire to reach out to those in need especially the young generations.
May the Lord bless our generosity.
Kay Kristo,
Chito
Read more | 0 comments
![](https://resources.blogblog.com/img/icon18_email.gif)
![](https://resources.blogblog.com/img/icon18_edit_allbkg.gif)